Bagong silang na sanggol, inilibing na ina sa tinitirahan

Umamin naman si Nishimura sa ipinaratang laban sa kanya.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

IBARAKI (TR) – inaresto ng Ibaraki Prefectural Police ang 35 anyos na babae matapos niyang aminin na inilibing niya ang bangkay ng kanyang bagong silang na sanggol sa lungsod ng Mito 3 taon na ang nakalikipas, ayon sa ulat ng TV Asahi (Mar. 11).

Bandang Hulyo ng taong 2017, si Natsuko Nishimura, isang pansamatalang trabahante ay inilibing umano ang bangkay ng kanyang bagong silang na sanggol sa kanyang tinitirahan nuong mga panahong iyun sa Motoyoshida cho area.

Nuong siya ay inaresto sa kasong sadyang pag-iiwan sa isang bangkay nitong Miyerkukes, umamin naman si Nishimura sa ipinaratang laban sa kanya, ani ng mga pulis sa Mito Police Station.

Nami Nishimura (Twitter)

Nuong mga panahong iyun, ang suspek ay naninirahan sa isang apartment kasama ang isang lalaki. Sa kalaunan ang babae ay lumipat sa Fukushima Prefecture.

Nuong ika-13 ng Pebrero, umamin si Nishimura sa krimen na kanyang nagawa sa Nihonmatsu Police Station sa Fukushima. “Nag-alala ako dahil may inilibing ako [ang bangkay] at hindi iyun maaaring mag-tagal duon.” ani ng babae.

Kalaunan ay binisita ng ilang opisyal ng Mito Police Station ang nasabing apartment at nadiskubre buto ng isang bagong silang na sanggol na naka libing sa ilalim ng lupa. Dinagdag pa ni Nishimura na pinanganak daw niya ang bata sa loob ng apartment.

Ang kasarian at sanhi ng pagpanaw ng bata ay hindi nalaman, ani ng pulis.

Source: Tokyo Reporter

Image: Twitter

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund