TOKYO
Nagbigay ng babala ang mga eksperto na gumagabay sa gobyerno ng Japan sa pagsiklab ng coronavirus noong Martes na tila hindi sineseryoso ng mga tao ang banta ng virus.
Sa loob ng tatlong araw na bakasyon nitong nakaraang katapusan ng linggo, ang mga pampublikong parke ng Tokyo ay puno ng mga tao para mag cherry blossom-viewing at habang ang K-1 kickboxing organization ay nagsagawa ng mga event na dinaluhan ng 6,500 fans sa Saitama Super Arena.
Ang mga malakihang event ay naglalagay sa panganib ng muling pagtaas ng kaso ng coronavirus sa Japan, ayon kay Hiroshi Nishiura, isang propesor ng infectious diseases epidemiology sa Hokkaido University.
“Kung magpapatuloy na maging kampante ang mga tao, maaaring magkaroon ng panibagong outbreak tulad ng nangyari sa Estados Unidos at Europa,” isinulat ni Nishiura sa komentaryo na nai-publish sa Yahoo Japan noong Martes.
Partikular na mapanganib na mga kapaligiran ay ang mga closed environment at may mahinang bentilasyon, at kung saan ang mga malalaking grupo ng mga tao ay nakikipag-usap o sumisigaw, sinabi ni Hitoshi Oshitani, isa pang eksperto sa panel at propesor ng virology sa Tohoku University.
Nangangahulugan ito na ang cherry blossom viewing ay medyo ok pa pero ang K1 event at dapat hindi na itinuloy.
Ayon sa eksperto kapag nagkaroon mg second wave ng virus sa Japan, tiyak na ito ay mas malala at mas malaki.
© Thomson Reuters 2020.
Join the Conversation