Napag-alaman ng NHK na ang nag-oorganisa committee sa Tokyo 2020 ay napag-desisyonan na huwag magsa-gawa ng torch relay, sa halip sila ay hahawak ng lantern upang dalhin sa buong Japan ang Olympic Flame.
Ilang opisyal na may kinalaman sa palaro ay nag-sabi na napag-desisyonan ng Committee na hindi gagawin ang torch relay hangga’t walang final conclusion mula sa International Olympic Committee kung ang Palaro ay ipapag-patuloy o hindi.
Ang apoy ay aasahang bumyahe sa buong Japan matapos itong mailipat sa isang lampara
Ayon sa mga opisyal ang committee ay nagsa-gawa ng desisyon, na isina-alang alang na ang nasimulang pag-uusap sa pagitan ng IOC ukol sa Tokyo 2020 Games kabilang ang posibilidad ng pagpapa-liban nito.
Ang desisyon ay isang ring hakbang upang maiwasan ang pagkalat ng coronavirus sa kadahilanan na ang torch relay ay makaka-akit ng maraming tao sa kahabaan ng parada nito.
Ang Olympic Flame ay sinindihan sa Greece nuong ika-+2 ng Marso at dumating sa Japan nuong Biyernes.
Ang apoy ay banyahe sa buong Japan at mag-sisimula sa Fukushima sa Huwebes, matapos ito mai-display sa Fukushima at dalawa pang prepektura sa northeastern Japan ang mga lugar na napinsala ng 2011 na lindol at tsunami.
Plano ng mga organizing committee na pababain o iklian ang seremonya para sa Olympic Flame sa Fukushima at isagawa ito ng walang manunuod.
Source: NHK World Japan
Join the Conversation