13 katao ang hindi pa natatagpuan, matapos lumubog ang kanilang barko sa Aomori

Ang mga crew members ng fishing boat ay kinabibilangan ng 13 Japanese at 2 Indonesian. Ang lahat ng nabanggit ay ligtas naman mula sa anumang peligro.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbsp13 katao ang hindi pa natatagpuan, matapos lumubog ang kanilang barko sa Aomori

Nitong Sabado, 13 crew member ng isang freighter ang hindi pa natatagpuan matapos magka-bungguan ang barko at isang fishing boat, ito ay lumubog sa Aomori, northern Japanese prefecture.

Ayon sa opisyales ng Coastguards ang 1,989 cargo vessel na “Guoxing-1” ay agad na nakipag-ugnayan sa kanila na ang kanilang barko ay pinapasok na ng tubig matapos makabanggaan ang isang fishing boat.

Kalaunan, ang barko ay lumubog at 1 lamang sa 14 crew nito ang nailigtas ng isang fishing boat.

Ang Coastguards ay nag-utos ng 5 patrol boats upang hanapin ang nawawalang 13 katao.

Ayon sa mga opisyales, ang banggaan ay nangyari mahigit 12 kilometro ng east ang layo mula sa port ng Rokkasho Village.

Ang fishing boat na nakabanggaan ay ang 138 toneladang “Daihachi Tomimaru” na pag-aari ng isang lokal na kumpanya sa loob ng prepektura.

Ang mga crew members ay kinabibilangan ng 13 Japanese at 2 Indonesian. Ang lahat ng nabanggit ay ligtas naman mula sa anumang peligro.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund