Share
Sinabi ng mga awtoridad pangkalusugan ng Pilipinas na isang Tsinong lalaki ang pumanaw dahil sa Pneumonia sanhi ng bagong coronavirus.
Ayon sa World Health Organization na ito ang kauna-unahang pagpanaw sanhi ng sakit sa “labas ng bansang Tsina”.
Ang mga opisyal ng Philippine Department of Health ay nag-sabi na ang 44 anyos na lalaki mula sa Wuhan sa Hubei province ng China ay pumanaw nuong Sabado. Ang nasabing lungsod ay ang pinag-mulan ng outbreak ng coronavirus.
Ayon sa mga opisyales, ang ginoo ay naka-pasok sa Pilipinas via Hongkong nuong ika-21 ng Enero at bumisita sa central resort island ng Cebu.
Ang 38 anyos na ginang na kasama ng lalaki sa Cebu ay positibo rin ang resulta sa virus nuong Huwebes.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation