Ang kumpanyang Toshiba ng Japan ay naka-isip ng sistema para sa mga mamimili na makuha ang datos ng resibo ng kanilang ipinamili direkta sa kanilang smartphones.
Ang kumpanya ay nag- set up ng bagong subsidiary upang mai-launch ang kanilang serbisyong “Smart Receipt”.
Ang mga mamimili ay maka-tatanggal ng digitized data sa isang smartphone app sa pamamagitan ng pag-scan ng barcode sa kanilang telepono sa cash register.
Ang nasabing app ay idi-display ang talaan ng nabili at ito ay makatutulong sa pamilya sa pag-mamanage ng kanilang budget. Ang sistema ay mag ooffer din ng mga discount coupon.
Ikinokonsidera rin ng Toshiba ang pag-kolekta at pag-analyze ng datos ng mga mamaminili nang may pahintulot sa mga ito. Ito ay maaaring ioffer sa mga retailers at manufacturers.
Malaki ang kanilang paniniwala na ang ganung kalaking datos ay magagamit sa pag-develope ng mga bagong produkto at serbisyo.
Hangad ng kumpanya na madagdagan ang bilang ng mga tindahan o shop na mayroong serbisyo ng Smart Receipt sa 100,000 sa darating na Abril ngayong taon.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation