Pilipino sa Yokkaichi arestado sa panloloob ng bahay, pananakit at pagnanakaw

Noong nakaraang taon, naaresto na di Delacruz dahil sa ibang kaso ng pagnanakaw sa isa pang bahay sa Yokkaichi noong Oktubre ng nakaraang taon. Dahil sa magkaparehong modus ng suspect ay naikonekta ang krimen 5 taon na ang nakalilipas at napatunayang siya ang gumawa nito. #PortalJapan See more⬇️⬇️⤵️⤵️

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspPilipino sa Yokkaichi arestado sa panloloob ng bahay, pananakit at pagnanakaw

Limang taon na ang nakalilipas nang mangyari ang krimen, isang 52-anyos na Pilipinong lalaki ang naaresto dahil sa panloloob sa isang bahay sa Yokkaichi, Mie Prefecture, kinuha ang cash, at binugbog ang isang residente na nagtamo ng malubhang pinsala.

Ang naaresto ay si Dela Cruz Augusto Nucum, isang 52-taong gulang na isang Pilipino mula sa Yokkaichi.

Ayon sa pulisya, pinasok ni Delacruz  ang isang bahay sa Suenaga-cho, Yokkaichi City noong Disyembre 2015, na ninakawan ang humigit kumulang 65,000 yen na cash, at hinampas ang mukha ng isang residente (76 noong naganap ang krimen) at malubhang nasugatan ang biktima dahil sa fracture sa ulo.

Noong nakaraang taon, naaresto na di Delacruz dahil sa ibang kaso ng pagnanakaw sa isa pang bahay sa Yokkaichi noong Oktubre ng nakaraang taon. Dahil sa magkaparehong modus ng suspect ay naikonekta ang krimen 5 taon na ang nakalilipas at napatunayang siya ang gumawa nito.

Inamin naman ng suspect ang mga patatang sa kanya ayon sa imbestigasyon.

Source: Yahoo News

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund