Share
Isang Pilipina sa Okayama at ang asawa nitong Hapon ang hinuli ng pulisya dahil sa pag serve ng alak sa mga menor de edad sa kanilang inshokuten.
Sa Okayama Maniwa City, hinuli ng mga police noong February 3 ang isang inshokuten operator na lalaking Hapon, age 68 years old at ang asawa nitong Pilipina na nagtatrabaho din sa kainan, age 24 years old, matapos na mapatunayang nagserve sila ng alak sa mga minor na customer nila.
Ang tatlong teenager na nasa age 16 at 17 years old ay kanilang binigyan ng beer at can chuhai kahit alam daw nilang mga minor age pa ang mga ito.
Hindi naman nila inaamin ang charge laban sa kanila dahil ang akala daw nila ay nasa 20 years old pataas na ang mga ito ayon sa imbestigasyon.
Source: Yahoo News
Join the Conversation