Ikinansela ng Imperial Household Agency ng Japan ang pag-bati ni Emperor Naruhito sa publiko sa kanyang kaarawan sa ika-23 ng Pebrero dahil sa pag-laganap ng bagong coronavirus.
Ang okasyon ay ang pag-mamarka ng kaunahang kaarawan ng emperor mula ng ito ay makoronahan nuong Mayo.
Siya ay naka-schedule na lumabas ng tatlong beses sa balkunahe ng Imperial Palace kasama si Empress Masako kasama ang ilang miyembro ng Imperial Family.
Ito na ang ikalawang beses na nakansela ang public greeting para sa kaarawan ng isang emperor.
Ang huling panahon na ito ay nangyari ay nuong taong 1996 nuong panahon na nagkaroon ng hostage crisis sa Embahada ng Japan sa bansang Peru.
Ang pampublikong pag-bati ay isinasa-gawa tuwing kaarawan ng emperor at tuwing ika-2 ng Enero taon taon. Mahigit 68,000 katao ang pumupunta sa Imperial Palace tuwing ika-2 ng Enero upang marinig ang pag-bati ng Emperor.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation