Nagkaroon ng kakulangan sa supply ng surgical mask sa Japan dahil sa outbreak ng coronavirus, gayunpaman ito ay ibinebenta online sa mga presyo ng higit sa sampung beses sa orihinal.
Ang online shopping sa Amazon ay halos naubusan ng mga mask na ibinebenta sa mga regular na presyo, ngunit mayroon naman marami naming makukuhanan pa sa mas mataas na presyo.
Tatlong kahon ng mga mask na karaniwang nagkakahalaga ng mga anim na dolyar bawat isa ay inaalok ng halos 300 dolyar.
Ang mga gumagamit ng app ng flea market na Mercari ay tumigil na sa pagbili ng mga maskara dahil sa kanilang napataas na presyo.
Nagpalabas ang Mercari ng isang pahayag sa website noong Martes na humiling sa parehong mga nagbebenta at mamimili na kumilos sa makatwirang mga pamantayan sa lipunan.
Binalaan ng provider ng app na maaari nitong tanungin ang mga nagbebenta at bumibili kung saan nanggaling ang kanilang mga item, tanggalin ang mga listahan, o limitahan ang access.
Sinabi ng Amazon na nagtakda ito ng mga patakaran para sa mga makatarungang pagbebenta at susubaybayan ang mga website, at ang mga lumalabag ay hihilingin na alisin ang kanilang mga item.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation