Ang lungsod ng Oita sa southwestern Japan ay gumawa ng isang charity event nuong linggo bilang suporta sa kanilang chinese sister city, Wuhan, na pinag-mulan ng outbreak ng bagong coronavirus. Ang nasabing event ay kapalit ng taunang Chinese New Year Festival.
Ang pinuno ng Oita Association of Overseas Chinese na si Umeo Ko ay nag-sabi na kinalulungkot nila ngunit ang festival na isinagawa ngayong taon ay hindi tulad ng kanilang palaging inaasahan, bagkus sinabi niya na bigyan ng encouraging messages ang nasabing lungsod.
Ang mga dumalo sa nasabing event ay nag-sabi ng “Kapit lang, Wuhan” sa wikang Chinese.
Nag-perform ng sayaw at pag-tugtog ng drums ang mga university students at mga kabataan.
Ang ilang mga kinita ng mga nag-tinda ng lokal na prutas at gulay ay gagamitin upang ipang-bili ng mga aid supplies kabilang ng mga face masks.
Isang ginoo ang nag-bigay ng donasyon ay nag-sabi na hangad niyang ma-overcome ng mamamayan ng Wuhan ang kasalukuyan nilang kalagayan at inaasahan na mapabuti na rin ang sitwasyon nila.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation