NAGASAKI (TR) – nilunod ng isang lalaking mangingisda ang isang baboy ramo matapos itong lumitaw sa karagatan sa lunsod ng Nagasaki at siya ay atakihin umano nito nuong Lunes, ayon sa mga pulis, mula sa ulat ng TBS News (ika-25 ng Pebrero).
Bandang mga alas-4:30 ng hapon, isang baboy ramo na may sukat na aabot ng 1 metro ang haba ang lumitaw sa tubig habang ang ginoo na nasa edad na 50’s ay nangingisda sa mabatuhang bahagi sa Koechi.
Matapos siyang kagatin ng baboy ramo sa kanyang puwetan at kaliwang paa, inilubog ng lalaki ang ulo ng baboy ramo sa tubig hanggang sa ito y nalunod, ayon sa Inasa Police Station.
Ang sugat na natamo ng mangingisda ay hindi naman peligroso ayon sa mga pulis.
Matapos ang insidente, isang taong napadaan ang nag-sabi sa mga pulis na mayroong isang lalaki na humuhuli ng isang baboy ramo.
Nang dumating ang mga awtoridad sa lugar ng pinangyarihan natagpuan nila ang patay na baboy ramo. Nuon ay sinabi ng lalaki na pinatay niya ang nasabing hayop.
Source and Image: Tokyo Reporter
Join the Conversation