Nag-diwang ng ritwal para sa mga lumang panahing karayom ang Osaka Shrine

Ritwal para sa mga lumang pantahing karayom, isinagawa sa isang shrine sa Osaka, Japan

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspNag-diwang ng ritwal para sa mga lumang panahing karayom ang Osaka Shrine

Ang mga tao sa isang shrine sa Siyudad ng Osaka, western Japan ay nagsa-gawa ng isang seremonya upang magpa-salamat sa kanilang mga lumang pangtahing karayom.

Mahigit 1,500 katao kabilang ang mga Japanese-style na mananahi at fashion students ay dumalo sa tradisyonal na ritwal na ginanap sa Osaka Temmangu Shrine nuong Sabado.

Itinusok nila ang mga karayom sa Konnyaku jelly cake na may sukat na 50cm kalapad at 10cm kataas.

Ang nasabing Shrine ay sinimulan ang nasabing taunang seremonya mahigit 90 taon na ang nakalilipas upang magbigay pasasalamat sa mga ginamit na karayom sa pamamagitan pag tusok nito sa isang malambot na bagay. Ang mga dumalo ay humiling din na mas umigi pa ang kanilang karunungan sa pananahi.

Ang shrine ay para kay Kibi no Makibi, isang hapon na opisyal nuong walong siglo na ipinadala sa Tsina, na siya ring nagdala at nag-turo ng pagbuburda at mga paraan sa pagtatahi dito sa bansang Japan.

Isang guro sa pananahi ang nag-sabi na sumali siya sa seremonya upang magpa-salamat sa kanyang mga karayom. Sinabi niya rin na nais niyang mag-tahi ng maraming Kimono ngayong taon.

Isang high school na mag-aaram ang nag-sabi na iba ang pakiramdam ng pag-tusok ng mga karayom sa konnyaku hindi tulad ng pag-tusok nito sa mga matitigas na tela kapag nag-tatahi. Sinabi niya na pag-bubutihin niya ang pag tatahi ng mga damit pang-kasal.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund