Ang ilang lugar sa Shuri Castle sa Okinawa Prefecture kung saan ang mga pangunahing gusali ay nasira ng isang malaking sunog, ay ipinakita na sa mga media sa unang pagkakataon nuong Martes.
Sinabi ng mga imbestigador na pulis na ang pinag-mulan ng sunog nuong Oktubre ay sanhi umano ng isang electrical problem at wala naman silang nakitang foul play dito.
Ang mga organisasyong namamahala sa pasilidad ay ipinakita ang mga restricted areas, tulad ng mga site kung saan naka-tayo ang pangunahing gusali.
Ilang mga sunog na kahoy ang tanging natira na nagpapa-alala kung gaano kalaki ang apoy na tumupok rito. Ang mga decorative whiskers ng dragon na nasa taas ng bubong ng castle ay gumuho na.
Ang lokal na ekonomiya ay naging apektado sa pag-bagsak ng mga bilang ng turista na bumisita sa castle. Ang umaasa ang gobyerno ng central at Okinawa na buksan ang mga damage areas sa publiko bago sumapit ang spring holidays.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation