Mga gumagawa ng sasakyan, pinalitan ang kanilang pa-trabaho

Ang mga firms na gumagawa ng smartphone, damit at iba pang produkto ng Tsina ay lumulipat na rin sa pag gawa ng face masks.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspMga gumagawa ng sasakyan, pinalitan ang kanilang pa-trabaho

Dahil sa pag-laganap ng bagong Coronavirus sa buong Tsina, nagkaroon ng kakulangan sa mga fac mask kung kaya’t ang isang major carmaker ay nagsimula nang mag-simula sa produksyon nito. Ang mga factory worker na mga naka-suot ng protective gear ay walang tigil sa pag-tatrabaho.

Ang state-owned company na nasa Guandong Province ay kasaluluyang gumagawa ng 100,000 mask kada araw.

Plano nitong dagdagan ang bilang ng production lines, at layon nitong maka-gawa ng 1 milyong mask araw-araw, bago matapos ang buwan.

Ang nabanggit na probinsiya ay ikalawa sa bilang ng madaming katao na nahawa sa bagong coronavirus sa bansang Tsina. Limang production line ang inilagay sa espasyong ginagamit dati bilang auto parts research and development.

Sinabi ng Vice President ng GAC Component na si Huang Xusheng na “Ang aming kumpanya ay dalubhasa sa pag-gawa ng sasakyan, at ang aming mga awtomatikong mga makina at techniques ay may kakayahang gumawa ng face mask. At ngayon na ang ating bansa ay nakararanas ng matinding kalamidad. Nais namin na  ķami bilang  isang kumpanya na makatulong gamit ang aming kakayahan.”

Ang mga mask na magagawa rito ay ibibigay sa mga industrial group employees ng mga kumpanya at mga pasilidad pang-medical. Ang mga firms na gumagawa ng smartphone, damit at iba pang produkto ng Tsina ay lumulipat na rin sa pag gawa ng face masks.

Source and Image:  NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund