Ang mga operator ng restaurant chain sa Japan ay pinagsusuot ng mask ang mga empleyado sa gitna ng bagong outbreak ng coronavirus.
Ang Starbucks ay pinahintulutan ang mga kawani na magsuot lamang ng mga maskara kung nais nila. Ngunit hinihiling nila sa mga kawani na magsuot ng mask sa mga lugar na may mabigat na trapiko at bayan sa prefecture kung saan nakumpirma ang mga impeksyon.
Karaniwang hindi pinapayagan ng Tully’s Coffee Corporation ang mga kawani na magsuot ng mask. Ngunit simula ng Enero, ang mga ito ay pingasusuot na rin ng mask.
Ang Kentucky Fried Chicken ay namahagi ng mga mask sa higit sa 1,100 na tindahan at nanawagan sa mga empleyado na magsuot ng mga ito.
Ngunit ayon sa ibang mga may ari ng restaurant chain, sila ay nahihirapan na makakuha ng mga mask at disinfectant.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation