May edad na lalaki na nang-hablot ng isang tindero ng isang bilihan, namatay sa kostudiya ng mga pulis

Matandang lalaki na hinuli matapos magwala sa isang tindahan, namatay habang nasa kostudiya ng mga awtoridad.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

Sa Kanagawa- isang may edad na lalaki na nag-wala sa isang used-goods store sa lungsod ng Hadano ngayong linggo ay namatay sa kostudiya ng mga pulis, ayon sa ulat ng Sankei Shimbun nitong ika-7 ng Pebrero.

Bandang alas-2:50 ng hapon nuong Huwebes, isang tindero sa bilihan ay pinag-sabihan ang 66 anyos na lalaki na bayaran ang plastic para sa kanyang mga binili.

Ang lalaki na residente ng Odawara City ay biglang hinaltak ang tindero sa bandang dibdib nito. Matapos tumawag ang nasabing empleyado ng pulis, limang pulis ang rumesponde sa bilihan upang puntahan ang inirereklamong ginoo, hinawakan ito sa kanyang mga braso at ulo.

Bandang alas-4:50 ng hapon, ang kundisyon ng matanda ay lumala habang may 2 pulis na tumitingin at iniinspeksyon ang kanyang mga  personal na kagamitan sa loob ng Hadano Police Station. Ayon sa mga pulis, ang matanda ay binawian ng buhay sa ospital bandang pasado ala-6:00 ng hapon mula sa ulat ng Kanagawa Shimbun nuong ika-7 ng Pebrero.

Gagamitin ng mga pulis ang resulta ng isinagawang awtopsiya sa matanda upang malaman ang sanhi ng pagka-matay nito.

Nag-bigay ng pahayag ang vice chief ng Hadano Police Station na si Tatsuya Ishihara na “Ginawa ng aking mga tauhan ang tamang hakbang nang hulihin ang suspek, iniimbestigahan pa kung ano ang naging sanhi ng pagka-matay nito.”

Source: Japan Today

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund