Ang pangalawang grupo ng mga pasahero mula sa isang cruise ship na tinamaan ng virus ay nakalabas na ng barco noong Huwebes.
Ang bagong coronavirus ay nakumpirma sa 621 na mga pasahero at crewmembers ng Diamond Princess, na nakadungka sa Yokohama Port, malapit sa Tokyo.
Sinabi ng ministeryo ng kalusugan na ang mga Japanese na pasahero na nakapasa sa 14 day quarantine ay pinahihintulutan na mag disembark ng barko mula Miyerkules.
Sinasabi ng ministeryo na ang total na 443 na nakababa na ng barko mula noong Miyerkules, ay 90 porsyento sa mga ito ay mga Hapon.
Karamihan sa mga pasahero ay inaasahan na bababa sa barko sa Biyernes.
Tatalakayin ng mga opisyal ang mga hakbang para sa mga tripulante kasama ang operator ng barko. Sinabi nila na ang mga kawani na umaasang mag-disembark ay maaaring payagan na gawin ito.
Source: NHK World
Join the Conversation