TOKYO
Ang mapinsalang mga wildfires na nagdala ng labis na pagkasira sa wildlife sa Australia, lalo na ang mga koalas na namatay, nasugatan at nawalan ng kanilang mga tahanan dahil sa mga apoy.
Naturally, nagkaroon ng suporta mula sa buong mundo para sa mga pagsisikap na magbigay ng tulong para sa mga tao at hayop na naapektuhan at sa Japan, ang aktibidad ng paraan ng paglikom ng pondo ng Lotte ay naging paksa ng ilang pansin kamakailan.
Ang Lotte ay maker ng mabentang Koala’s March (Koala no Machi) at para sa mga hindi ka pamilyar sa snack na ito, isa siyang crackers na pinalamanan ng tsokolate na may cute na imahe ng koalas. Maaari silang matagpuan sa anumang conbini o supermarket sa Japan.
Ang website ng Koala’s March ay nagbigay ng link na kung saan maaari kang direktang mag-donate sa Australian Koala Fund. Ngunit hindi lang iyon, tuwing bibili ka ng anumang snacks ng Lotte kasama na ang Koala no Machi, ang isang bahagi ng benta nito ay ido-donate sa Koala Fund.
Ipagdasal natin na ang mga sunog sa Australia ay matapos na sa lalong madaling panahon at upang wala ng maapektuhang tao at mga hayop.
Source: Website ng Lotte Koala’s March
Join the Conversation