Sinabi ng Health Ministry ng Japan na pumanaw na ang 80 taong gulang na lalaking naninirahan sa Tokyo nuong Miyerkules matapos mahawaan ng bagong coronavirus.
Ito ang ika-pitong kumpirmadong kaso ng pagkahawa sa bansang Japan na nag-sanhi ng pag-panaw ng mga biktima. Ang apat dito ay mga pasahero ng Diamond Princess cruise ship.
Ayon sa mga opisyales, ang lalaki ay nilagnat nuong ika-13 ng Pebrero at na admit sa ospital sa Tokyo. Ang pasyente ay nagkaroon ng problema sa pag-hinga makalipas ang tatlong araw ang lalaki ay sinuri at naging positibo ang resulta nito sa virus nuong ika-18 ng Pebrero. Ang pasyente ay tumatanggap ng gamutan sa isang Intensive Care Unit ng ibang ospital bago ito binawian ng buhay.
Hindi naman umalis papuntang ibang bansa ang nasabing lalaki, ayon sa mga opisyal.
Dinagdag rin ng mga opisyal ng ministeryo na mayroon pang 14 katao na naka-sakay sa Diamond Princess ang naging positibo sa virus. Lima rito ay pasahero samantalang crew naman ang siyam.
Ito lang ay nag-sasabi na ang bilang ng mga pasahero at crew na nahawaan ng virus ay aabot na ng 705, hindi kasali rito ang mga taon naging positibo rin ang resulta sa virus matapos makababa ng barko.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation