TOKYO (TR) – inaresto ng Tokyo Metropolitan Police ang isang lalaking Cameroon national na pinag-hihinalaang nag-panggap bilang isang American serviceman online upang makapanloko ng mga haponesa na nag-hahanap ng mapapang-asawa, mula sa ulat ng TBS News nuong ika-7 ng Pebrero.
Nuong taong 2018, si Tekom Romeo, 35 anyos ay nagkaroon ng komunikasyon sa isang 48 anyos na ginang gamit ang isang social-networking service, kung saan ang lalaki ay nag-panggap bilang isang Amerikanong sundalo na may halagang 500 milyong yen.
Sa kanilang pag-uusap, ang lalaki ay gumamit ng isang litrato ng isang lalaki na naka uniporme ngunit hindi siya ito. ” Nais ko nang humito sa serbisyo at manirahan na lamang sa bansang Japan.” sinulat umano nito. “Papadalhan sana kita ng pera upang bayaran ang pamasahe.
Naloko umano ng suspek ang biktima ng mahigit 1.83 miyong yen.
Nang ito ay hulihin sa suspetsang panloloko, itinanggi ni Romeo ang mga paratang sa kanya. “Isang Pakistan national ang nag-utos umano sa kaniya upang i-withdraw ang pera. ” sinabi nang suspek sa mga taga-Tomisaka Police Station. “Hindi ko alam na ang pera ay galing sa ilegal .”
Nuong nakaraang taon, inaresto rin ng mga awtoridad ang 3 Cameroonian nationals dahil sa kaparehong kaso.
Source and Image: Japan Today
Join the Conversation