Sinabi ng Agriculture Ministry ng Tsina na ang isang highly pathogenic H5N6 na may kaugnayan sa bird flu ang nakumpirma sa isang poultry farm sa southwestern province ng Shichuan.
Ayon pa sa ministreyo, mahigit 1,840 mula sa 2,500 na manok sa poultry farm ang namatay dahil sa avian flu na sanhi ng H5N6 virus. Ang mga natitirang manok ay inilipat upang maiwasan ang pag-kalat ng impeksyon.
Nitong buwan lamang, sinabi ng ministeryo na ang highly pathogenic H5N6 na may kaugnayan sa bird flu ay na-detect sa poultry farm sa Hunan Province.
Ang mga awtoridad sa Tsina ay nag-sasagawa umano ng hakbang laban sa series ng bird flu outbreakskatulad lamang ng hakbang na ginagawa upang hindi kumalat ang impeksyon ng coronavirus sa nasabing bansa.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation