Share
Bilang tugon sa kasalukuyang pag-laganap ng coronavirus, ang isang malaking kumpanya ng Japanese cosmetic na Shiseido ay nag-atas na mag-trabaho ang kanilang mga manggagawa mula sa kani-kanilang tahanan.
Sinabi ng kumpanya ipinag-utos nila na mag-telework muna ang mahigit 8,000 o mahigit 1/3 ng kanilang mga empleyado sa mga sangay nilang mga kumpanya mula ika-26 ng Pebrero hanggang ika-6 ng Marso. Ang mga tauhang nabanggit ay kinabibilangan ng mga front-line sales staff at mga factory workers.
Pinakiki-usapan rin ng Shiseido ang kanilang mga empleyado na kailangang mag-trabaho sa opisina na iwasan ang pag-commute sa pampublikong transportasyon kapag rush hour.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation