Ang isang musikal na produksiyon na nagtatampok ng mga tanyag na kanta ng Hapon ng mga nakalipas na araw ay naka-akit ng maraming tao sa Sao Paulo, Brazil noong Linggo.
Isang samahan ng mga apo ng mga Hapon ang nag plano at gumawa ng isang musikal para sa kasaysayan ng emigrasyon ng Hapon upang ito ay malaman at sila ay maalala.
Ang mga Hapones ay nagsimulang lumipat sa Brazil noong unang bahagi ng ika-20 siglo. Nasa halos dalawang milyong mga Brazilian ang may dugong Hapones.
Mahigit sa 1,500 na mga tao ang nakapanood ng palabas na nagsa-salaysay sa kwento ng mga kabataang Hapon na puno ng pag-asa at pangarap na pumunta sa Brazil sa pamamagitan ng mahabang paglalakbay sa karagatan, nakipag-sapalaran at napag-tagumpayan ang mga paghihirap sa kanilang bagong tahanan.
Sinabi sa kwento kung paano nagtatrabaho ang mga dayuhan, nagpalaki ng mga pamilya, at natagpuan ang kanilang lugar sa lipunang ng Brazil.
Itinampok rito ang 30 kanta ng Hapon na naging tanyag ng mga panahong iyon.
Ang ilang mga descendants ng Hapon ay lumuluha nang makita nila ang kanilang dinanas sa entablado.
Nagustuhan ng lahat dumalo ang produksyon at inalayan ng masigabong palakpakan ang bawat eksena.
Sinasabing tumataas ng bilang ng mga Japanese descendants na hindi nakakapag-salita ng wikang Hapon.
Ayon sa mga organizer ng produksyon, sana ito ay makapag-bigay ng daan sa mga batang Brazilian na may mga dugong Hapon na maging mas interesado sa Japan.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation