TOKYO
Dose-dosenang mga pasahero na pinahintulutan makaalis mula sa isang barko na tinamaan ng coronavirus ay may mga sintomas kasama ang lagnat at hiniling sa kanila na kumuha ng mga panibagong test para sa virus, sinabi ng ministro ng kalusugan ng Japan noong Miyerkules.
Ang balita ay dumating habang may isa pang namatay na dahil sa virus dito sa Japan, iniulat at hinikayat ng gobyerno ang mga nag-organisa ng mga pangunahing events sa susunod na buwan upang isaalang-alang ang pagkansela o pagpaliban ng mga ito upang makatulong na hadlangan ang pagkalat ng mga impeksyon.
Nakipag-ugnay ang gobyerno sa 813 na dating pasahero ng barko ng Diamond Princess at natagpuan na “45 sa kanila ang nagkaroon ng sintomas matapos na sila ay makababa ng barko”, sinabi ng Health Minister.
“Hiniling namin sa kanilang lahat (na may mga sintomas) na pumunta sa hospital at magpa test muli.” Halos 970 katao ang pinahihintulutan mula sa bangka noong nakaraang linggo matapos masuri at naging negatibo sa virus.
Ang mga pinahihintulutan makaalis mula sa barko matapos ang 14-araw na quarantine ay pinakiusapan na manatili sa loob ng kanilang mga bahay, ngunit walang pormal na mga hakbang na nagbabawal sa kanilang mga gagawin.
Sinisi ng mga mambabatas sa oposisyon ang gobyerno sa hindi pagpapatupad ng isang pang panibagong 14 na araw na quarantine matapos umalis ang mga pasahero sa barko – tulad ng ginagawa ng ibang mga bansang sa mga returnees na galing sa barko.
© 2020 AFP
Join the Conversation