Daan-daang mga paaralan ng Hokkaido isinara upang makaiwas sa COVID-19

Lahat ng paaralan sa Hokkaido Japan ang napilitan na pansamantalang magsara ng halos isang linggo dahil sa malaking alalahanin sa pagkalat ng Corona Virus.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspDaan-daang mga paaralan ng Hokkaido isinara upang makaiwas sa COVID-19Daang daang mga paaralan sa hilagang prefecture, Hokkaido Japan ang napilitan na pansamantalang magsara ng halos isang linggo dahil sa malaking alalahanin sa pagkalat ng Corona Virus.

Kabilang dito ang mga pampublikong elementarya, junior high at espesyal na mga paaralan.

Nagdesisiyon ang gobernador ukol dito. Iniulat ng Hokkaido ang pinakamalaking bilang ng mga nakumpirma na mga kaso ng coronavirus na nasa mga 47 na prefecture sa bansa. Ang mga bata sa paaralan ay kabilang sa mga nahawahan.

Samantala, sa Sapporo, ang kapital ng prefectural, ay nagpasya na isara ang halos 300 mga paaralan sa lungsod mula Biyernes.

Ayon sa mga magulang na may trabaho, na kahit na mahirap isaayos ang pangangalaga ng mga bata habang sila ay nagtatrabaho , naisip nila na mas mabuti ito sa pag-iwas mahawahan ng Corona Virus.

Sinabi ng iba na isinasaalang-alang nila ang paggugol ng oras para sa kanilang mga anak.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund