Ang broadcasting agency na state-run ng China na CCTV, ay nag-ulat na ang isang bagong panganak na sanggol ay natagpuang na-impeksyonan ng bagong coronavirus.
Sinabi ng CCTV na ang sanggol ay ipinanganak noong Linggo sa Wuhan, ang lungsod ng sentro ng outbreak. Ang sanggol ay sumailalim sa testing sa virus 30 oras pagkatapos ito pinanganak dahil ang ina ay nito ay nahawahan ng coronavirus. Ayon sa test lumabas na naging positibo ang sanggol.
Ang bata ay naiulat na hindi nagpakita ng mga sintomas ng lagnat o pag-ubo, ngunit may mga problema sa paghinga. Ang X-ray screening niya ay nagpakita ng impeksyon sa baga.
Nagbabala ang isang doktor sa ospital tungkol sa mga peligro ng impeksyon sa pamamagitan ng mother-to-child at nanawagan sa mga eksperto at mga medical professionals na isaalang-alang ang ganitong posibilidad.
Source: NHK World
Join the Conversation