Isang 18 anyos na high school student na babae ang pumanaw matapos mabagsakan ng landslide sa Zushi City, south ng Tokyo.
Ang babae ay nag-lalakad sa tabing kalsada nang biglang nabagsakan ito ng mga putik mula sa itaas ng burol nitong umaga ng Miyerkules.
Sinabi ng mga pulis na ito ay agad na dinala sa ospital ngunit kinumpirmang wala ng buhay. Ani sa mga imbestigador, nakuhaan raw ng isang dashboard camera ng isang bus na naglalakad ang babae sa tabing kalsada at wala nang iba tao ang natamaan ng gumuhong lupa.
Sinabi ng mga opisyal ng lungsod na ang burol ay matibay hanggang sa 5 metro mula sa road level, ngunit mayroong mas ma-tarik na burol sa bandang itaas. Sinabi ng mga ito na gumuho ang mga putik na bumalot sa 10 metro ng lakaran o daanan.
Ang nasabing lugar ay binantagan nang delikadong lugar dahil sa landslide o pag-guho ng lupa o putik. Ang matarik na burol ay isang base ng gusali ng condominiums.
Ini-imbestigahan na ngayon ng mga awtoridad ang sanhi ng pag-guho ng lupa.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation