Sinabi ng gobyerno ng Israel na ipag-babawal ang pagpasok ng mga banyagang byahero na nag-stay sa Japan o South Korea sa nakaraang 14 days. Ang ban ay mag-sisimula sa Lunes.
Isang Israeling ginang na nilisan ang virus-stricken Diamond Princess cruise ship at naka-uwi sa kanyang bansa sa pamamagitan ng government chartered flight ay napag-alamang infected ng virus nuong Biyernes.
Siyam na South Koreans na bumibisita sa Israel kasama ang kanilang group tour nitong buwan lamang ay napag-alamang nahawaan rin ng virus matapos maka-uwi sa kanilang bansa nitong Sabado.
Inoobserbahan ngayon ng gobyerno ang mahigit 90 katao na nagkaroon ng pagkakasalamuha sa nasabing South Korean tourists.
Ang mga minomonitor sa ngayon ay mga High School Students at Hotel staff.
Ilang non-Israeli na pasahero ng Korean Air na lumapag sa Israel nuong Sabado ay hindi pinayagang maka-pasok ng bansa at ipina-uwi sa South Korea sakay pa rin ng nasabing eroplano.
Source: NHK World Japan
Join the Conversation