Ang mga organizers ng 2020 Tokyo Olympics ay nag-sabi na magkakaroon ng welcome ceremony para sa pag-dating ng Olympic Flare na mag-tatampok ng pagpapa-lipad ng mga eroplano ng mga grupo ng acrobatic flight team ng Japan Air Self-Defense Force.
Nuong Huwebes, sinabi ng mga organizers na ang grupo ng ilang fighter jets, na kilala bilang Blue Impulse ang magpapalipad ng kanilang mga jets at sa pamamagitan ng mga colored smoke, sila ay guguhit ng 5 circle bilang pag-rerepresent sa symbol ng Olympic. Ito ay magaganap sa ika-20 ng Marso, sa welcome ceremony.
Ang apoy ay sisindihan sa Olympia, Greece sa ika-12 ng Marso, at ito ay ibabayahe sa SDF Matsushima Base sa Miyagi Prefecture kung saan ang mga grupo ay naka-base.
Ang Blue Impulse ay nag-sagawa rin ng similar na ceremonial flyover nuong opening ceremony nuong nakaraang Tokyo Olympics nuong Oktubre taong 1964. Ang dalawang Gold Medalist nuong 2004 Athens Olympics na sina Tadahiro Nomura (Judoist) at Saori Yoshida (Wrestler) ang naatasan na magparticipate sa Greek leg Torch Relay upang madala ito sa Matsushima Base.
Matapos lumapag ang eroplano sa base, ang apoy ay bibit bitin ito ng 2 atleta. Aabot ng 200 mag-aaral sa lokal na paaralang pang elementarya ang sasali habang ang apoy ay inililipat sa Olympic flame dish na siyang ilalagay sa taas ng stage habang isinasagawa ang welcome ceremony.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation