TOKYO
Ang lalaking Hapon na pinangalanan na pinakamatandang nabubuhay na lalaki sa buong mundo ay namatay na sa edad na 112, sinabi ng isang lokal na opisyal noong Martes.
Si Chitetsu Watanabe, na ipinanganak noong Marso 5, 1907 sa Niigata, ay namatay noong Linggo sa kanyang nursing home sa parehong prefecture, sinabi ng opisyal.
Ang balita ay nangyari ng dalawang linggo matapos na opisyal na kinikilala siya ng Guinness World Records.
Si Watanabe, na may limang anak, ay nagsabi na ang sekreto sa mahabang buhay ay ang “hindi pagiging magalitin at panatilihin na laging naka-ngiti”.
Inamin niya na mahilig siya sa mga sweets tulad ng custard pudding at ice cream.
Ang pinaka-matandang lalaki na ngayon sa Japan ay si Issaku Tomoe, na 110 taong gulang, ayon sa Jiji Press, bagaman hindi malinaw kung hawak niya ang title para sa buong mundo.
Ang Japan ay isa sa may pinakamataas na life expectancy sa mundo at naging tahanan ng maraming tao na kinikilala bilang kabilang sa mga pinakamatandang tao.
© 2020 AFP
Join the Conversation