TOKYO- ang gabinete ng Japan ay inaprubahan nuong Martes ang bill na nag-hihikayat sa mga kumpanya na payagang magtrabaho ang mga trabahador hanggang sila ay sumapit ng 70 anyos dahil ang bansa ay naghahanap ng solusyon upang palawakin ang working population upang takpan ang pag-taas ng social security costs sa kabila ng mabilis na pag-tanda ng lipunan.
Samantalang ang mga probisyon ay hindi pangkalahatan, ang nasabing batas ay binibigyan ang mga kumpanya na mamili ng isa mula sa 5 option na ibibigay nito, kabilang ang pag-tataas ng retirement age, scrapping, o pag-payag na ito ay mag-trabaho kahit lagpas na ng edad ng pag-reretiro.
Ang 2 pang option ay para sa mga kumpanyana gumawa ng operasyon para sa mga nagretiro upang magkaroon ito ng kanilang sariling business o maging freelance o bigyan sila ng ilang posisyon sa ilang firm na mayroong philanthropic project.
Sa kasalukuyan, ang mga Japanese company ay obligadong pabayaang mag-trabaho ang kanilang empleyado hanggang sa ito ay sumapit ng 65 anyos.
Plano ng gobyerno na isumite ang batas na nag-cocover ng 6 na batas sa nangyayaring Diet session at hinahangad na ito ay maisakatuparan mula Abril ng 2021. Ayon sa mga opisyal, plano ng gobyerno na gawing obligasyon ng mga kumpanya na payagang mag-trabaho ang kanilang mga empleyado hanggang sa ito ay sumapit na 70 ang edad.
Kabilang din sa mga napasama sa pag-babago ay ang pagpapakilala ng isang sistema para pag-samahin ang working hours ng lahat ng trabaho ng iisang tao para sa sertipikasyon ng overtime-related na karamdaman o pinsala, dahil sa paghihimok ng pamahalaan na kumuha ng ikalawang trabaho. Ang nasabing gawain ay matagal nang ipinag-babawal sa Japan.
Source: Japan Today
Join the Conversation