Share
Daan-daang kalalakihan na naka-suot ng puti na may dalang umaapoy na sulo ang patakbong bumababa ng batong hagdan sa isang ispektakular na taunang Oto Festival. Mahigit 1,800 kalalakihan at maraming apoy ang sumasali upang maisagawa ang Oto Festival. Ang nasabing selebrasyon ay taunang ginaganap sa Singu, Wakayama. Nag-uunahan ang mga kalalakihan sa pag-baba sa 538 steps na batong hagdan bilang panata upang magkaroon ng masaganang ani at ligtas na kabahayan.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation