Ang mga opisyal sa Ebetsu City sa pinaka-hilagang prepektura ng Japan, sa Hokkaido ay nagsabing isang babaeng napag-alamang nahawahan sa bagong coronavirus na nagta-trabaho sa isang lokal na paaralan ng elementarya. Siya ang taga-hatid ng mga pananghalian ng paaralan sa mga silid-aralan.
Inilahad ng pamahalaang prefectural noong Sabado na ang babae na nasa edad na 50 ay isang part-time na manggagawa sa lungsod.
Sa isang kumperensya ng balita noong Linggo, sinabi ng mga opisyal ng lungsod na hindi siya kasali sa pagluluto ng mga pagkain, na ginagawa sa ibang lokasyon. Sinabi nila na nakasuot siya ng puting roba, facemask at guwantes habang nasa trabaho.
Sinabi nila na siya ay nagtatrabaho noong ika-14 ng Pebrero, sa kabila ng pagkakaroon ng namamagang lalamunan noong araw na iyon. Tumigil siya sa pagpasok noong ika-15 ng Pebrero pagkatapos magkaroon ng lagnat na higit sa 37 degree Celsius.
Sinabi ng lunsod ang dalawa sa kanyang mga kasamahan na manatili sa bahay para ma-obserbahan hanggang sa ika-28 ng Pebrero.
Ayon pa sa mga opisyal na walang ibang tao sa paaralan na malapit sa kanya, kasama na ang mga mag-aaral at guro.
Sa ilalim ng gabay ng isang pampublikong sentro ng kalusugan, mag di- disinfect ang paaralan ng mga lugar kung saan nagtrabaho ang babae. Ang proseso ay uulitin sa Lunes, at ang mga klase ay magpapatuloy sa Martes.
Sinabi ni Mayor Noboru Miyoshi na ang pangyayari ay isang paalala na ang mga hakbang sa pag-iwas tulad ng paghuhugas ng kamay ay kinakailangan sa mga paaralan.
Source: NHK World Japan
Join the Conversation