TOKYO (TR) – inaresto ng Tokyo Metropolitan Police nuong Lunes ang siyam sa trenta y sais na Hapones na pinag-sususpetsahang kasali sa isang sindikato na naka-base sa Manila, mula sa ulat ng TBS News (ika-25 ng Pebrero).
Ayon sa Tokyo Metropolitan Police, si Ryou Imaizumi, 27 anyos at ang walo pang suspek ay mga miyembro ng isang sindikato na nang-huhuthot ng mahigit 1.5 bilyong yen sa mahigit 1,700 katao sa Japan sa loob ng nakalipas na 2 taon.
Bandang alas-3 ng hapon, ang siyam na suspek na nag-eedad mula 20 anyos hanggang 59 anyos ay lumapag sa Narita International Airport sakay ng eroplano na nag-mula sa Manila.
Sa kasalukuyan, inakusahan ng mga awtoridad ang siyam na suspek sa panloloko at pang huhuthot ng pera mula sa isang ginang na nasa edad na 60 anyos at naninirahan sa Shibuya Ward, mula sa 5 bank crads nito nuong Nobyembre.
Mga kasabwat sa Japan
Upang maisagawa ang kanilang panloloko, isa sa mga suspek ay magpapanggap na tauhan mula sa Ministry of Finance sa pamamagitan ng pag-tawag sa telepono at saka nito ipapaliwanag sa biktima na ang kanyang impormasyon sa banko ay ginamit sa isang krimen. Ang mga kasabwat na tao na nasa Japan ang kukulekta ng mga cards sa mga tahanan ng biktima.
Itinatanggi ng mga suspek ang mga paratang laban sa kanila. “Ako ay nang galing sa isang sightseeing tour at napag-bintangan lamang,” sabi ng isang suspek. Ang isa naman ay nag-sabi na “kumakain at umiinom lamang ako duon nang ako ay dinakip.”
Pinaniniwalaan ng mga pulis na ang headquarters ng sindikato ay isang abandonadong hotel sa labas ng Maynila. Nitong Nobyembre lamang, ni-raid ng mga opisyal ng Immigration ang nasabing hotel. Dumating naman sa Pilipinas ang mga Tokyo Police nang sumunod na buwan.
Ang natitirang 27 hapones ay inaasahan rin na ma-aresto.
Source: Tokyo Reporter
Image: Twitter
Join the Conversation