Nagkaproblema ang mga kostumer ng dalawang bangko ng Japan sa paggamit ng kanilang mga serbisyo noong Linggo.
Sinabi ng SBI Sumishin Net Bank na karamihan sa mga online banking function nito ay tumigil at hindi na gumana mga bandang 10 a.m. noong Linggo.
Sinabi ng bangko na ang mga customer ay hindi makagawa ng paglilipat sa mga account sa ibang mga institusyong pampinansyal o makapag withdraw ng cash mula sa mga ATM, mga bandang 5pm na bumalik ang normal na operasyon ng serbisyo.
Ang mga customer ng Yamagata Bank, na nakabase sa hilagang prefecture ng Yamagata, ay hindi pa rin gumagamit ng online banking o ATM.
Sinabi ng dalawang bangko na gumagamit sila ng isang sistema na binuo ng IBM Japan upang hawakan ang data ng transaksyon.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation