AICHI
Ang pulisya sa Konan, Aichi Prefecture, nitong Lunes ay inaresto ang isang 16-anyos na batang lalaki dahil sa attempted murder matapos na saksakin ang kanyang 45-taong-gulang na ina gamit ang isang pares ng gunting sa kanilang bahay.
Ayon sa pulisya, sinaksak ng batang lalaki ang kanyang ina bandang 2:15 a.m., iniulat ni Sankei Shimbun. Ang babae ay nagtamo ng isang sentimetro na malalim na saksak sa kanyang kaliwang dibdib.
Tumawag ang batang lalaki sa 110 at sinabing sinaksak niya ang kanyang ina. Ang babae ay dinala sa ospital. Hindi naman life threatening ang kanyang mga sugat, sinabi ng pulisya.
Sinabi ng pulisya na inamin ng batang lalaki na sinaksak ang kanyang ina dahil pinagalitan siya nito sa pagkuha ng pera sa wallet ng hindi nagpapa-alam upang ipambili ng mga video game.
© Japan Today
Join the Conversation