1/3 ng mga reserbasyon sa port ay nakansela sa Tokyo

Kina-kansela ng mga cruising company ang kanilang mga reserbasyon at sa 36 na kumpanya, 13 na ang nag- kansela.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbsp1/3 ng mga reserbasyon sa  port ay nakansela sa Tokyo

Mahigit sa 1/3 ng mga tawag para sa reserbasyon ng mga cruise ship sa Tokyo Port na nakatakda ngayong Marso hanggang Disyembre ay kinansela sa gitna ng pag-laganap ng bagong coronavirus sa Japan.

Sinabi ng Metropolitan Tokyo Government na kinansela ng mga kumpanya ang kanilang mga reserbasyon. Sa 36 na kumpanya, 13 na ang nag- kansela.

Labing-isa sa mga nagkansela ay ang mga shipping companies. Ito ay upang bumisita sa isang bagong terminal na itinatayo sa Tokyo upang maakit ang pinakamalaking mga barkong pandagat. Ang Tokyo International Cruise Terminal ay nakatakdang buksan bago ang Tokyo Olympics ngayong tag-init.

Inaasahan ng gobyerno ang humigit-kumulang 200 milyong yen o 1.8 milyong dolyar ang epekto pang-ekonomiya sa bawat malalaking tawag sa ship port call.

Sinabi ng isang opisyal ng Tokyo Bureau of Port at Harbour na ang pagkansela ay ikinalulungkot at mahirap iwasan, ngunit ipinahayag ang pag-asa na ang virus ay makontrol at tuluyang mawala sa lalong madaling panahon.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund