Toyota, ipinababalik ang mahigit 3.4 milyong kotse dahil sa problema sa airbag.

3.4 milyong sasakyan ng Toyota ipinapa-balik dahil sa diperensya di umano sa airbag nito.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspToyota, ipinababalik ang mahigit 3.4 milyong kotse dahil sa problema sa airbag.

Nag-issue ng recall o pagpapa-balik ng milyong sasakyan sa buong North America na posibleng mayroong problema sa mga airbags. 2 Japanese car maker pa ang maaaring mag-labas ng similar na issue sa pagpapa-balik ng mga sasakyan.

Sinabi ng Toyota ang mga modelo ng sasakyang posibleng ipabalik ay ang Corolla na naibenta sa pagitan ng taong 2011 hanggang 2019 at Avalons na ginawa sa pagitan ng 2012 hanggang 2018.

Sinabi nito na ang ipinababalik na mga sasakyan ay aabot sa 3.4 milyon. Sinabi ng firm na mayroong diperensya sa airbags na maaaring hindi gumana ang pag inflate sa oras na ang kotse ay bumangga.

Ang safety devices ay ginawa ng ZF-TRW, isang US-based  na gumagawa ng parte na piyesa ng sasakyan na pag-aari ng isang German firm.

Inumpisahan ng US transport authorities na imbestigahan ang problema sa airbags nuong Abril.

Anim na automakers ang gumagamit ng na tukoy na piyesa: Toyota, Honda at Mitsubishi mula sa Japan, Hyundai at Kia mula sa South Korea at FCA. Sinabi ng mga awtoridad na maaaring umabot ng 12.3 milyong sasakyan ang maapektohan.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund