KITAKYUSHU
Isang 31-anyos na lalaki ang naaresto sa hinalang pang-aabuso ng kanyang 7-taong gulang na anak sa pamamagitan ng pagsipa at pagsusuntok nito sa ulo sa isang park sa Kitakyushu City noong nakaraang buwan, sinabi ng pulisya noong Lunes.
Ayon sa pulisya, naganap ang insidente noong Disyembre 15 sa isang park sa Kokuraminami Ward, iniulat ng Sankei Shimbun.
Si Tomoaki Irizumi, isang empleyado ng kumpanya, ay pinaghihinalaang binugbog ang kanyang panganay na anak na naglalaro sa park kasama ang kanyang mga kaibigan. Ang ina ng batang lalaki, na naroon din noong mangyari ang insidente ang siyang nagsumbong sa pulisya.
Dipensa naman ni Irizumi ay inaamin niya na nasobrahan ang kanyang pagdisiplina ngunit wala siyang intensyong saktan talaga ito ng malala.
Ang ina ng batang lalaki ay dati nang nagreklamo sa isang hiwalay na insidente ng pisikal na pananakit ng kanyang asawa at mula noong ay humiwalay na siya kasama ang kanyang apat na anak.
Sinisiyasat ng pulisya kung ang mga anak ni Irizumi ay nakaranas ng regular na pang-aabuso.
© Japan Today
Join the Conversation