Shibuya mag-lalabas ng digital tools para sa mga bisitang dayuhan

Shibuya nag-hahanda ng digital services sa kanilang ward para sa mga bibisitang dayuhan rito.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspShibuya mag-lalabas ng digital tools para sa mga bisitang dayuhan

Ang Shibuya Ward sa Tokyo ay mag-lalabas ng ilang mga digital technologies upang maka-tulong sa mga dayuhang bisita na mas ma-explore ang kapaligiran ng siyudad.

Ayon sa mga opisyal ng ward, sila ay nakikipag-tulungan sa Google upang maka-gawa ng mga pamphlet na mayroong mga barcodes. Ang mga ito ay naka-link sa mga mapa at iba pang mga kapaki-pakinabang na impormasyon sa sightseeing, kainan at luggage-storage facilities.

Ang ward ay mag-lalagay rin ng mga multilingual translation devices. Ang mga salita babanggitin sa mga display panel ay maisasalin sa 29 lengwahe. Ang nasabing plano ng ward ay maisasatupad sa buwan ng Hulyo.

Ang mga pamphlet at translation machines ay magiging available sa 30 lokasyon, tulad ng sightseeing spots, hotels at convenience stores.

Sinabi ng alkalde ng Shibuya na si Mayor Ken Hasebe na inaasahan niya na ma-enjoy ng mga bisita ang kanilang pamamasyal gamit ang bagong multi-language services.

Ang Shibuya ay kilala na lugar na himahakot ng malaking bilang ng bata at matanda at saka mga dayuhang bisita.

Ang nasabing lugar ay sumasa-ilalim sa redevelopment sa loob ng 100 taon, kabilang ang mga nangungunang proyekto ng mga gusali bilang pag-hahanda sa parating na Tokyo Olympics and Paralympics 2020.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund