Prime Minister Abe, nakipag-kita sa Crown Prince ng Abu Dhabi sa UAE

Japan Prime Minister Shinzo Abe nakipag-kita at nakipag-kasundo sa Crown Prince ng Abu Dhabi na si Sheikh Mohamed bin Zayed Al Nahyan upang maalis ang tensyong nangyayari ngayon sa Middle East,

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspPrime Minister Abe, nakipag-kita sa Crown Prince ng Abu Dhabi sa UAE

Ang Japanese Prime Minister na si Shinzo Abe at ang Crown Prince ng Abu Dhabi ay nagka-sundo na mag-tulungan upang mawaksihan ang tensyong nagaganap sa Middle East.

Lumipad si Prime Minister Abe patungong United Arab Emirates mula Saudi Arabia nuong Lunes sa kaniyang ikalawang yugto ng kanyang three-nation tour sa nasabing rehiyon.

Nuong Lunes, sa kapital ng UAE na Abu Dhabi, nakipag-kita si PM Abe sa Crown Prince na si Sheikh  Mohamed bin Zayed Al Nahyan nang mahigit isang oras. Ang dalawa ay nag-palitan ng saloobin ukol sa tumataas na tensyon sa nasabing rehiyon.

Sinabi ni Abe na ang Japan ay gaganap na malaking parte upang maiwasan ang pag-lala ng sitwasyon, na ito ay makikipag-tulungan sa UAE at Saudi Arabia upang patanggal ang tensyong namumuo rito sa kasalukuyan.

Dinagdag rin ng Crown Prince na ang UAE ay gagawa ng mga diplomatic efforts at makikipag-koordinasyon sa iba pang mga bansa.

Ipinaliwanag ni Abe ang deployment ng Self-Defense Forces sa nabanggit na rehiyon upang masigurado ang kaligtasan ng navigation ng mga Japan related vessels.

Sinabi rin mg Crown Prince na makikipag-tulungan at mag-bibigay ng suporta bilang isang bansa sa nasabing rehiyon.

Sinabi rin ni Abe sa Crown Prince na papayagan ng Japan ang mga byahero mula sa UAE na makapasok sa Japan ng hindi kakailanganin ng Visa.

Nilagdaan ng dalawang gobyerno ang memorandum upang pataasin ang kapasidad ng mga tanke ng Japan para sa pag-import ng krudo mula Abu Dhabi mula 1 milyong kiloliters hanggang 1.3 milyong kiloliters.

Naka-takdang bumisita si Abe sa Oman ngayong Martes upang makiramay sa pag-panaw ni Sultan Qaboos bin Said nuong Biyernes.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund