Ang pamilya ng isang babaeng Hapones na dinukot sa Hilagang Korea mga dekada na ang nakakaraan ay ipinagdiwang ang kanyang ika-60 kaarawan.
Si Keiko Arimoto ay 23 anyos ng siya ay dinukot noong 1983 habang naglalakbay sa Europa pagkatapos makumpleto ang isang programa sa pag-aaral sa London.
Ang ama ni Arimoto na si Akihiro, at ang kanyang dalawang kapatid na babae ay ipinagdiwang ang kaarawan noong Linggo. Sila ay naghanda ng pagkaing bahay at isang cake sa kanilang bahay sa Kobe, kanlurang Japan.
Ang kanyang 94 taong gulang na ina ay wala dahil ito ay nasa ospital at hindi maganda ang kalusugan.
Sinabi ng 91 anyos na ama ni Arimoto na maghihintay siya para sa pagbabalik ng kanyang anak na babae.
Ang isa sa mga kapatid na babae na si Naoko, ay nagsasabing naramdaman niya na labis na lungkot dahil ginugol ni Keiko ang higit sa kalahati ng kanyang buhay sa Hilagang Korea. Dagdag pa niya, umaasa siyang uuwi ang kanyang kapatid sa lalong madaling panahon.
Walang pag-unlad na ginawang paglutas ng isyu sa pagdukot.
Hinihikayat ng mga kamag-anak ang gobyerno na gumawa ng aksyon upang maibalik ang kanilang mahal sa buhay.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation