Pagsabog ng bulkan sa Pilipinas, nagsanhi ng mga sakit sa kalusugan

Daan-daan ang namamalagi ngayon sa isang evacuation center mga 20 kilometro ang layo mula sa danger zone. Marami ang ginagamot dahil sa mga problema sa mata at paghinga. PortalJapan See more ⬇️⬇️⤵️⤵️

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspPagsabog ng bulkan sa Pilipinas, nagsanhi ng mga sakit sa kalusugan

Sinabi ng mga opisyal sa Pilipinas na ang pag-ulan ng napakadaming abo mula sa pagsabog ng bulkan noong Linggo ay nagdudulot ng mga problema sa kalusugan.

Ang Taal Volcano sa lalawigan ng Batangas ay halos 60 kilometro sa timog ng kabisera ng Pilipinas. Sa ngayon, walang mga ulat ng mga pinsala na direktang nauugnay sa pagsabog. Ang usok ay tumaas ng halos 15,000 metro. Ang mga taong naninirahan sa loob ng 14 radius ng bulkan ay inutusan na lumikas.

Daan-daan ang namamalagi ngayon sa isang evacuation center mga 20 kilometro ang layo mula sa danger zone. Marami ang ginagamot dahil sa mga problema sa mata at paghinga.

Ang isang lalaki mula sa isang lugar na malapit sa bulkan ay nagsabi sa NHK na naniniwala siya na ang kanyang tahanan ay maaaring nalibing na sa abo. Sinabi niya na hindi niya alam kung kailan siya makakabalik.

Sinabi ng mga opisyal na patuloy ang lindol sa paligid ng bulkan, at ito ay isang palatandaan na mas maraming magma ang umaakyat at naiipon sa surface.

Ayon kay Renato Solidum, ang direktor ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology, “Ang Taal Volcano ay nananatili sa antas ng alert no. 4, na nangangahulugan na isang mapanganib na pagsabog ay posible pang mangyari sa loob ng ilang oras o araw.”

Source: NHK World

 

 

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund