Nilinis ang mga estatwa ng Buddha sa Oita

Mga iskultura ng mga buddha na inukit mula sa bato, pinalinis ng prepektura ng Oita.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

Ang mga sinaunang estatwa ng Buddha na inukit sa bato sa Oita Prefecture, timog-kanluran ng Japan, ay sumasailalim sa isang pagsasa-ayos.

Ang Usuki Stone Buddhas ay isang koleksyon ng mga eskultura sa lungsod ng Usuki. Ang animnapu’t isa sa kanila ay mga itinalagang pambansang kayamanan.

Pinayagan ng mga opisyal ng lunsod ang mga miyembro ng publiko na magtungo sa scaffolding upang mapanood ang proseso ng paglilinis na isinasagawa bawat taon mula pa nuong mga nakaraang dekada.

Ang mga manggagawa na inatasan ng lungsod ay gumamit ng mga ultraviolet rays sa mga estatwa upang matuyo ang lumot na namuo sa ibabaw nito. Maingat din na tinganggal ang mga alikabok ng mga estatwa gamit ang mga brotsa, upang hindi maka-gawa ng anumang pinsala sa mga nasabing iskultura.

Sinabi ng isa sa mga bisita na namangha siya sa klase ng pagtatrabaho rito. Sinabi niya na pinahahalagahan niya ang mga pagsisikap ng mga gumawa nito, at  ito ay mangangahulugang nakikita niya ang mga estatwa na malinis.

Sinabi ng isang opisyal ng munisipyo na ang lungsod ay magpapatuloy sa pananatiling pag-linis ng mga estatwa upang makita ng mga tao na malinis ang mahahalagang estatwa sa libu-libong taon pang darating.

Source: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund