OSAKA- inaresto ng mga pulis sa Osaka ang 36 anyos na ginang dahil sa hinalang pag-patay sa 7 buwang gulang na anak na nahulog mula sa apartment building sa isang municipal housing complex.
Ayon sa mga pulis, si Hitomi Tamitani ay tumawag sa 119 bandang alas-10:15 ng umaga, at nag-sabing ang kanyang anak na babae na si Yuzuki ay nahulog mula sa ika-9 na palapag ng isang gusali na kanilang binisita sa Hirano Ward. Ang bata ay natagpuang nakahiga sa playground na katabi ng gusali, base sa ulat ng Fuji TV.
Sinabi ng mga pulis na nuong tinatanong si Tamitani nuong gabi ng Linggo, sinabi niya na dumulas mula sa kanyang pagkaka-hawak si Yuzuki habang sila ay nasa hagdanan ngunit pinabulaanan niyang binagsak o hinagis niya ang bata. Mayroong 1.5 meteo na mataas na railing ang nasabing hagdanan.
Source: Tokyo Reporter
Join the Conversation