TOKYO
Sinabi ni Punong Ministro Shinzo Abe noong Martes na kailangang maging alerto ang Japan at gumawa ng mga kinakailangang hakbang laban sa isang bagong coronavirus sa gitna ng outbreak sa China bago mag Lunar New Year.
Sa isang pagpupulong sa tanggapan ng punong ministro, inutusan ni Abe ang mga ministro ng Gabinete na palakasin ang mga pagsusumikap, subaybayan ang mga pasyente na pinaghihinalaang nahawaan ng virus at tipunin ang pinakabagong impormasyon sa pakikipag-ugnayan sa mga internasyonal na organisasyon.
“Bagaman wala pa tayo sa sitwasyon kung saan may outbreak ng virus, ang bilang ng mga pasyente ay tumataas sa China. Kailangan nating maging vigilant,” sabi ni Abe sa panahon ng pagpupulong.
Tulad noong Lunes, nasa 220 katao na ang nakumpirma na nahawaan ng. bagong coronavirus sa mga lungsod at lalawigan sa China, kabilang ang Beijing at Shanghai. Ang ika-apat na tao ay namatay sa pulmonya na dulot ng virus, sinabi ng lokal na awtoridad sa kalusugan sa lungsod ng Wuhan noong Martes.
Kinumpirma ng Japan ang kauna-unahang kaso ng impeksyon noong nakaraang linggo matapos ang isang lalaki na nasa edad na 30 ay nag positibo sa pulmonya na dulot ng bagong coronavirus. Bumalik siya sa Japan noong unang bahagi ng Enero pagkatapos ng pagtravel galing Wuhan kung saan nagsimula ang outbreak ng virus noong Disyembre.
Ang mga awtoridad ng Japa ay nagsusulong ng mga pagsisikap upang maiwasan ang pagkalat ng virus dahil maraming mga turistang Chinesr ang inaasahang darating sa Japan sa Chinese New Year mula Jan 24 hanggang 30.
Sinabi ni Chief Cabinet Secretary Yoshihide Suga na gagawin ng gobyerno ang “makakaya” upang maiwasan ang outbreak sa bansa.
© KYODO
Join the Conversation