Ang United Nations ay nananawagan sa mga gobyerno ng buong mundo na taasan ang kanilang mga educational budget.
Nuong Biyernes, nag-salita sa isang pag-pupulong sa UN headquarters sa New York si UN Deputy Secretary-General Amina Mohammed upang markahan ang International Day of Education.
Sinabi niya, “Sa kasalukuyang rate, halos 420 milyon mula sa 1.4 bilyong school age na kabataan na mayroong mababa at katamtamang kita na mga bansa ang hindi makakapag-aral ng basic skills pag -sapit ng 2030. ”
Sinabi pa ni Mohammed na kapag walang edukasyon, wala sa Sustainable Development Goals o SDGs na isinagawa ng UN General Assembly nuong taong 2015 ang ma-aachieve.
Nananawagan si Mohammed ng mas maraming investment sa edukasyon, na nag sasabing, “Ang financing gap ay ini-estimang nasa 39 bilyong dolyares kada taon.” Sinabi nya na kailangan mag focus sa pag-eliminate o pag -aalis ng hate speech, raising awareness tungkol sa ecological issues at pag-promote ng digital transformation.
Ipinatawag ng Deputy Secretary-general ang lahat ng miyembro ng states upang ” pag-samahin ang edukasyon para sa climate action sa national education policy and planning.”
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation