Ang Japan Defense Minsitry ay naghahanda para sa isang posibleng pagpapadala ng mga Self-Defense Forces sa Australia upang makatulong na labanan ang mga bushfires nito.
Ang naturang hakbang ay mangyayari pagkatapos sabihin ng kanilang mga counterparts sa Australia noong Lunes na maaari nilang hilingin sa Japan na magpadala ng isang international emergency relief team.
Ang Australia ay patuloy na nakikipagdigma sa mga bushfires na nagsimula noong Setyembre.
Sinabi ng mga opisyal ng Japan na malamang na hihilingin ng Australia ang pagpapadala ng mga sasakyang panghimpapawid ng SDF na magdala ng mga bumbero at mga kagamitan.
Sinabi ng mga opisyal na ang isang fact-finding team na kina-bibilangan ng walong miyembro ng SDF ang maglalakbay sa bansa upang mangalap ng impormasyon hinggil sa sakuna at lokal na pangangailangan.
Makikipag-ugnayan din sila sa mga iba pang samahan ng Australia.
Ang unang pangkat ng koponan ay umalis sa Japan noong Lunes ng gabi.
Inaasahang gagawa ng desisyon ang defense minister kung magpapadala ng emergency relief team batay sa mga ulat mula sa fact-find team.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation