Nananawagan ang mga medical academic society sa mga opisyal at boluntaryo na magpa-bakuna bago sumapit ang 2020 Tokyo Olympics and Paralympics upang maka-iwas sa pag-kalat ng impeksyon sa panahon ng palaro.
Naka-planong ianunsyo ng Japanese Association for Infectious Diseases ang talaan ng nakahahawang sakit na dapat ay kailagan ng mga tao sa panahon ng palaro. Pinapayuhan rin ang mga manlalaro at iba pang taong may kaugnayan sa palaro na magpa-balina laban sa walong sakit. Ang mga nasabing sakit ay kinabibilangan ng measles, rubella, influenza at invasive meningococcal disease.
Ang invasive meningococcal disease ay kalat sa central Africa. Hindi ito kilala sa Japan. Ngunit isang kasong ng nabanggit na sakit ang naitala matapos ang Rugby World Cup na isinagawa sa Japan nuong nakaraang taon.
Ang sakit ay nata-transmit sa pamamagitan ng pag-bahin at pag-ubo. Ito ay nagsasanhi ng mataas na lagnat, pananakit ng kasukasuan at conciousness disturbance. Mayroong 50 porsyentong tiyansa na ito ay maaaring kumitil ng buhay kung hindi malalapatan ng tamang lunas.
Ang listahan ay ginawa ni Propesor Akihiko Kawana ng National Defense Medical College. Sinabi nito na upang maiwasan kumalat ang mga naka-hahawang sakit, kinakailangan na mag-hugas ng kamay, magsuot ng mask at magpa-bakuna ang mga lokal na opisyal at mga taong nakikisalamuha sa mga atleta.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation